Work extension para sa Con-Ass, inilutang ng House Leaders

By Isa Avendaño-Umali August 03, 2016 - 07:37 PM

phl_congressHanda ang mga lider ng Kamara na mag-extend o magpalawig ng oras o magdagag ng araw ng trabaho para maisakatuparan ng kanilang mandato bilang Constituent Assembly o Con-Ass para sa Charter Change o Cha-Cha.

Ito’y sa harap na rin ng mga pagdududa kung kakayanin ba ng Kongreso na pagsabayin ang lehislasyon at Con-Ass at isyu rin ng quorum.

Tiniyak nina House Deputy Speakers Raneo Abu, Miro Quimbo at Fredenil Castro na hindi maaapektuhan ang legislative work ng Kongreso kapag nasimulan na ang Con-Ass. Ayon kay Castro, Capiz Congressman, uubrang mag-Con-Ass ang Kongreso sa gabi upang sa umaga ay maituon ang trabaho para sa pagsasabatas at iba pang legislative work.

Sa panig naman ni Abu, Batangas Representative, time management lamang daw ang kailangan. Aniya, tuwing Lunes hanggang Miyerkules ay itututok ng mga Mambabatas ang atensyon sa legislative duties, pero pagdating ng Huwebes hanggang Sabado ay Con-Ass ang kanilang aatupagin. Para naman kay Quimbo, Marikina Congressman, may mga existing committee naman na maaaring magtrabaho habang may Con-Ass.

Pwede umano silang mag-extend ng oras subalit baka papakiusapan ang mga constituent na medyo mababawasan ang presensya ng mga Mambabatas sa mga distrito kapag nasimulan na ang Con-Ass. Giit pa ni Quimbo, panahon nang kalusin ang mga tamad sa Kongreso.

Ang Con-Ass ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na paraan sa amyenda ng Saligang Batas tungo sa Federalism.

TAGS: Cha-Cha, con ass, federalism, Kamara, Cha-Cha, con ass, federalism, Kamara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.