May bagong ticketing system sa LRT

Beep Card testing via Hernando Cabrera Twitter
Mula sa Twitter account ni Atty. Hernando Cabrera

Nagagamit na ng mga pasahero ang bagong sistema ng ticketing system ng Light Rail Transit Administration (LRTA).

Ito ay ang Beep card ticketing system na tinatawag din na ‘tap-and-load’ ticketing system.

Ang beep card ay mabibili na sa Legarda Station ng LRT line 2, at magagamit na rin ang mga bagong makina para sa nasabing sistema.

Mula sa Twitter account ni Atty. Hernando Cabrera

Kung single journey ang bibilhing ticket, maari itong magamit saan mang exit point sa Line 2 depende sa halaga ng ticket na bibilhin.

Ang stored value ticket naman na maaring lagyan ng load na aabot ng hanggang P10,000 ay maaring magamit papasok at palabas sa lahat ng line 2 stations.

Ayon kay LRTA spokesperson Atty. Hernando Cabrera, kung positibo ang magiging resulta ng testing ngayong araw ay gagamitin na rin nila ang nasabing beep card sa iba pang istasyon ng LRT line 2./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...