Tatay na tinuturong pumatay sa kanyang mag-ina, inabswelto ng piskalya
Inabswelto ng Sta. Rosa City Prosecutors office ang tatay na sinasabing utak sa brutal na pagpatay sa kanyang mag-ina na pinagpapalo pa ng martilyo sa Sta.Rosa Laguna noong Marso a-dos 2016.
Base Sa 14-na pahinang resolusyon ng piskalya na may Petsang July 27, 2016 at pirmado ni Deputy City Prosecutor Oscar Co na inaprubahan naman ni Sta. Rosa City Prosecutor Cesar Calubag, ibinasura nito ang reklamong parricide laban kay Ricardo Sta. Ana alyas Richard dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Pinasasampahan naman ng piskalya ng mga kasong 2-counts of murder, Rape at Theft laban sina Ramoncito Bituin Galo at isang Alyas Bryan.
Magugunitang pinasok ng mga suspek na nagpanggap na mga technician ng isang Telecom Company ang bahay ng pamilya ni Sta. Ana sa Celina Plains Subdivision sa Sta. Rosa City noong marso kung saan naiwan ang kanyang mag-ina na sina Pearl Helen Bon at ang isang taong gulang na anak na si Denzel.
Sa testimonya ng suspek na si Galo sa pulisya, umamin ito na sangkot siya sa krimen at sinabi nitong nakunsensya siya at itinuro ang Padre de Pamilya ng mga biktima na si Sta. Ana bilang umanoy Mastermind sa krimen.
Subalit ayon sa Piskalya, hindi maaring tumayo sa korte bilang ebidensya ang testimonya o pag-amin ni Galo at kinakailangan itong suportahan ng iba pang matibay na ebidensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.