PNP, inaalam kung tutugma ang mga nakumpiskang baril sa mga rehistradong baril ni Mayor Espinosa
Inaalam na ngayon ng PNP Firearms and Explosives Ofc o FEO kung may tutugma sa 17 armas na narekober ng mga otoridad sa compound ng mga Espinosa sa Albuera Leyte sa mga naka rehistrong baril ni Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr Supt Dionardo Carlo, batay sa record ng FEO 3 lamang ang pag aaring baril ni Mayor Espinosa na nakapangalan sa kanya.
Kabilang dito ang isang shotgun at dalawang pistola, glock na 9mm at isang caliber 40. Sa 3 baril ni Espinosa tanging ang shotgun lamang ang valid pa ang rehistro habang nagexpire naman nitong buwan ng Mayo ang rehistro ng dalawang pistol.
Samantala, ayon kay Carlos hindi pa nila nasusuri kung may mga pag aari ding baril si Kerwin Espinosa.
Batay sa report ni Leyte Prov Dir Sr Supt Franco Simborio, 13 high powered firearms, apat na caliber 45 at isang hand grenade ang narecover nila bahay ng mag amang Espinosa sa encuentro sa bahay sa Bgy Binulho Albuera Leyte kaninang umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.