PCP commander, sibak dahil sa drug den na nasa ilalim lang ng presinto

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Sinibak sa pwesto ang isang Police Community Precinct (PCP) commander ng Manila Police District (MPD) matapos matuklasan ang drug den na nasa ilalim lamang mismo ng presintong kaniyang pinamumunuan.

Agad sinibak si Chief Inspector Luis Guisic, hepe ng PCP sa Juan Luna Street sa Binondo.

Ito ay matapos makarating kay sa kaniyang superior na si Superintendent Amante Daro, hepe ng Binondo police na mayroong isang barong-barong malapit sa presinto na ginagamit na drug den.

Kuha ni Erwin Aguilon

Ang nasabing drug den ay natuklasan sa ilalim ng tulay.

Ayon kay Daro, maliban sa sakop ng PCP na pinamumunuan ni Guisic ang drug den, napakalapit pa nito sa presinto kaya nakapagtatakang hindi niya ito natutuklasan.

Sa isinagawang clearing operation ng Department of Public Safety ng Manila City Hall nadiskubre ang mga drug paraphernalia sa nasabing drug den na nasa ilalim lamang ng tulay kung saan nakatayo ang police outpost ng sinibak na police commander.

Katwiran ni Guisic, hindi nila nadiskubre ang nasabing drug den dahil natatakpan umano ito ng mga tindahan.

 

 

Read more...