490 na MIAA personnel, isinailalim sa drug test

PTV Photo
PTV Photo

Isinailalim sa sorpresang drug test ang mga empleyado ng Manila International Airport Authority ngayong Miyerkules ng umaga.

Nasa 490 na uniformed personnel ng MIAA ang pinagsumite ng kanilang samples na agad isasailalim sa pagsusuri.

Ayon MIAA General manager Ed Monreal, ang sorpresang drug test ay bahagi ng mas pinaigting na operasyon ng Duterte administration kontra illegal drugs.

Inaasahang agad na lalabas ang resulta ng drug test.

Sinomang mag-postitbo ay agad aatasang magpasailalim sa confirmatory test ng MIAA.

 

 

Read more...