6 patay sa raid sa bahay ng pamilya Espinosa sa Leyte
Anim na katao ang patay matapos salakayin ng mga tauhan ng Albuera Police ang bahay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Nagroronda umano ang mga pulis nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa mga armadong lalaki na nasa bahay ng alkalde.
Dahil dito ay rumesponde ang mga pulis sa bahay at doon na nagkaroon ng putukan.
Kasama umano sa mga nakipagputukan sa mga pulis ay ang dalawang bodyguard ni Kerwin Espinosa.
Ayon pa sa Albuera Police, bukod sa matataas na kalibre ay branded ang baril ng mga nakalaban nilang armado sa bahay ng alkalde.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang standoff sa pagitan ng mga pulis at mga armadong tauhan ng pamilya Espinosa.
Sa ulat, nasa 50 hanggang 100 umano ang armado sa loob ng bahay.
Magugunitang kahapon, sumuko sa Camp Crame si Mayor Espinosa at inamin nitong sangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa kanilang lugar ang anak na si Kerwin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.