Sumukong drug suspects mahigit kalahating milyon na

QCPD-UsersUmabot na sa mahigit kalahating milyon ang bilang ng mga sumukong drug users at pushers sa buong bansa.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), simula July 1 hanggang kahapon, August 2, umabot na sa mahigit 500,000 ang bilang ng mga drug users at pushers sa buong bansa ang kusang sumuko.

Ang mga sumukong self-confessed drug users at pushers ay nasa 565,806 na simula nang mag-umpisang manungkulan ang Duterte administration.

Mahigit 5,400 naman ang nadakip sa mga isinagawang operasyon.

Sa nasabi ring datos, sinabi ng PNP na umabot na sa 402 ang napapatay sa pinaigting na anti-illegal drugs operations ng mga pulis.

Hindi pa kasama sa nasabing bilang ang mga natatagpuang patay na hinihinalang biktima ng summary execution.

 

Read more...