Illegal drugs trade, family business umano ng mga Espinosa

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Visayas August 03, 2016 - 06:52 AM

Contributed Photo
Contributed Photo

Matapos sumuko kahapon si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., pinaghahanap pa rin ang anak nitong si Rolando “Kerwin” Espinosa Jr.

Nakataas pa rin ang shoot on sight order laban kay Kerwin matapos itong hindi magpakita kahapon bago mapaso ang deadline ni Pangulong Rodrigo Durterte.

Ayon kay Leyte police provincial director Sr. Supt. Frank Simborio, ang mag-amang Espinosa ay itinuturing na “high-value” targets sa lalawigan dahil sa “open secret” na pagkakasangkot nila sa operasyon ng droga.

Si Kerwin ang umano ay nagpapatakbo ng illegal drug trade sa Eastern Visayas.

Sinabi ni Simborio, nasa level 3 category sa listahan ng Leyte police si Kerwin na nangangahulugang isa siya sa mga pinakamataas na target.

Dagdag pa ni Espinosa, mistulang “family enterprise” o “family business” ng mga Espinosa ang illegal drug trade. “They are into the illegal drug trade running it as a family enterprise, business with the son leading the illegal trade,” ayon kay Simborio.

Gamit ang pera na kinita sa ilegal na negosyo, nakabili na umano ng mga property ang pamilya Espinosa at nagmamay-ari na sila ng hotel sa bayan ng Albuera.

Si Kerwin umano ang nagsisilbing drug lord habang ang mga kapatid niya ang kolektor.

Pero ayon sa pahayag ng naarestong drug pusher sa lugar na si Jose Antipuesto, si Mayor Espinosa talaga ang operator noon ng drug trade sa lugar habang kanang-kamay niya si Kerwin.

Gayunman, binitiwan umano ni Mayor Espinosa ang negosyo dalawang taon na ang nakararaan dahil tumakbo siyang alkalde at ipinasa kay Kerwin ang pagpapatakbo ng “family business”.

Noong taong 2015, siyam na beses naaresto si Kerwin, pero agad ding nakalalaya.

Noon namang taong 2011, naharap sa kaso si Kerwin dahil sa pamamaril na nagresulta s pagkasugat ng isang lokal na opisyal sa Albuera.

Kinasuhan si Kerwin at dalawang iba pa ng frustrated murder pero nakalaya din matapos magpiyansa.

 

TAGS: kerwin espinosa, kerwin espinosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.