ROTC balak ibalik ng Duterte admin; mga kababaihan dadaan din sa training

By Jay Dones August 03, 2016 - 04:37 AM

 

Mula sa army.mil.ph

Muling isusulong ng Duterte administration na maibalik ang Reserve Officers Training Corps o ROTC.

Ayon kay Atty. Salvador Panelo, layunin ng planong  pagbabalik ng ROTC na subject sa kolehiyo na maipanumbalik ang ‘pagiging’ makabayan ng mga Pilipino.

Ang panukala aniya ay unang inirekomenda ng Commissioin on Higher Education o CHED sa isang cabinet meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Panelo, kanilang pag-aaralan ang mga posibleng amyenda sa NSTP bago ito maipatupad.

Isa sa kanilang naiisip na pagbabago ay ang gawin din na ‘mandatory’ sa mga babaeng college students ang ROTC na kalimitang tumatagal ng dalawang taon.

Sa kasalukuyan, ‘optional’ ang pagkuha ng ROTC sa mga college students sa ilalim ng National Service Training Program o NSTP.

Inalis ang ROTC noong 2001 dahil sa mga insidente ng hazing noon kung saan may ilang kadete pa ang namatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.