Road rage suspek na si Vhon Tanto kinasuhan na ng murder at frustrated murder

By Erwin Aguilon August 02, 2016 - 05:09 PM

Vhon Tanto3
Photo: Erwin Aguilon

Submitted for resolution na ang reklamong murder at frustrated murder laban sa road rage suspect na si Vhon Tanto.

Sa preliminary investigation na isinagawa ng panel of prosecutors ng Deparment of Justice iniharap ng mga tauhan ng Homicide Section ng Manila Police District  si Tanto na nakaposas ang kanyang kamay sa likod pero inilipat din sa harap kalaunan.

Sinabi ni Tanto na kusang loob siyang sumuko sa mga awtoridad sa Barangay Bangad, Milagros, Masbate.

Kinontra naman ito ni Public Attorney’s Office Chief Atty. Percida Rueda Acosta na tumatayong abogado ng nasawing si Mark Vincent Garalde at nasugatan na si Rossele Bondoc kung saan base anya sa affidavit of arrest ng mga awtoridad hindi sumuko si Tanto bagkus ito ay naaresto dahil kung sumuko ito dapat sa Manila Police niya ito ginawa.

Nanindigan naman si Atty. Trixie Cruz-Angeles, abogado ng suspek na sumuko sa barangay ang kanyang kliyente at sa barangay nito hinintay ang mga otoridad.

Hindi na naman nagsumite ng counter-affidavit ang kampo ng suspek dahil ayon kay Angeles inamin na naman ng kanyang kliyente na may kinalaman ito sa pagkamatay ng siklista.

TAGS: DOJ, garalde, Road Rage, tanto, DOJ, garalde, Road Rage, tanto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.