Party-list system hindi dapat alisin bagkus ay palakasin – Sen. Hontiveros
Kontra si dating Akbayan Partylist Representative at ngayo’y Sen. Risa Hontiveros sa mga panawagan na buwagin na ang party-list system bansa.
Ayon kay Hontiveros sa halip ay palakasin pa ito at tiyakin na ang mga party-list groups ay mula talaga sa hanay ng marginalized sectors.
Dagdag pa nito at base sa kanyang karanasan bilang kinatawan ng Akbayan partylist group sa Kamara ay marami na silang naimbag na tunay na nagsusulong sa kapakanan ng mga nasa laylayan ng lipunan.
Aminado naman ito na may mga nakaraang pang aabuso sa party-list system ngunit aniya maari naman gamutin ang mga ito sa pamamagitan ng lehislatura.
Bukod sa pag-amyenda sa Saligang Batas, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang pag-aralan kung kailangan pa ba ng bansa ang partylist representation sa Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.