Ito ang nakasaadsa panukalang batas na inihain sa senado ni Senator Francis Pangilinan.
Sa ilalim ng panukala ni Pangilinan, nais nitong maamyendahan ang Republic Act 8187 o ang Paternity Leave Act of 1996.
Mula sa kasalukuyang pitong araw na paternity leave, nais ni Pangilinan na bigyan ng 30 araw na leave ang mga ama kung sila ay mayroong bagong silang na anak.
Sinabi ni Pangilinan na ito ay para mabigyan sila ng mas mahabang pagkakataon na maalagaan ang kanilang anak at ang asawang bagong panganak.
Sakop ng panuka ang lahat ng kasal na male employees sa pampubliko at paribadong sektor.
READ NEXT
WATCH: Lugar kung saan pinatay si Mark Vincent Garalde, binalikan ng kaniyang mga kaanak at kaibigan
MOST READ
LATEST STORIES