Panukalang batas na magbibigay ng mas mahabang paternity leave, inihain sa Senado
Tatlumpung araw na leave para sa mga mister ng mga manganganak na misis.
Ito ang nakasaadsa panukalang batas na inihain sa senado ni Senator Francis Pangilinan.
Sa ilalim ng panukala ni Pangilinan, nais nitong maamyendahan ang Republic Act 8187 o ang Paternity Leave Act of 1996.
Mula sa kasalukuyang pitong araw na paternity leave, nais ni Pangilinan na bigyan ng 30 araw na leave ang mga ama kung sila ay mayroong bagong silang na anak.
Sinabi ni Pangilinan na ito ay para mabigyan sila ng mas mahabang pagkakataon na maalagaan ang kanilang anak at ang asawang bagong panganak.
Sakop ng panuka ang lahat ng kasal na male employees sa pampubliko at paribadong sektor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.