WATCH: Lugar kung saan pinatay si Mark Vincent Garalde, binalikan ng kaniyang mga kaanak at kaibigan

By Erwin Aguilon August 02, 2016 - 12:33 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Bago inihatid sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Marikina City ang pinatay sa siklista na si Mark Vincent Garalde idinaanan muna ito sa lugar kung saan siya napaslang ng suspect na si Vhon Tanto.

Mula sa Quiapo Church kung saan isinagawa ang huling misa para kay Garalde dumaan ang convoy sa bahagi ng P. Casal St., Quiapo, Maynila.

Nagtitik ng kandila sa lugar ang mga naulila ni Garalde kabilang ang kanyang ina, asawa at anak gayundin ang pinuno ng Public Attorney’s Office na si Atty. Persida Acosta.

Ayon sa ina ng biktima na si Malou Garalde, matapos ang libing ng kanyang anak ang kaso naman laban sa suspek ang kanilang aasikasuhin.

Nanawagan din si Ginang Garalde sa mga miyembro ng media na huwag bitawan ang kaso ng kanyang anak hanggang sa ito ay matapos.

Mahaba ang naging funeral cortage ni Garalde kung saan nasa unahan ang mga siklista mula sa iba’t-ibang grupo.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.