Tuluyan nang naihatid sa kaniyang huling hantungan ang bike rider na si Mark Vincent Galarde sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Nagmistulang celebrity funeral ang interment kay Galarde sa dami ng mga nakiramay at nakipaglibing bilang pakikisimpatya sa kaniyang pamilya.
Sa panayam sa tiyahin ni Garalde na si Susan Benigno, sinabi nito na “overwhelmed” sila sa suporta na ipinakita ng mga asosasyon ng mga biker, kaibigan, at mga kaanak.
Nang dahil aniya sa social media ay nagkaroon ng public outrage sa pumatay sa kaniyang pamangkin na si Vhon Tanto kaya mabilis itong nahuli, kasabay nito ay ang pagbuhos naman ng suporta ng mga netizens sa kanila.
Sabi pa ni Ginang Susan, marahil ay napuruhan ng kaniyang pamangkin sa suntok si Tanto dahil isa itong taekwondo enthusiast at marunong sa Arnis at self-defense.
Gayunman, dahil armado ng baril si Tanto ay hindi umubra ang pisikal na liksi ng kanyang pamangkin.
Sa kaniya namang mensahe, sinabi ng Nanay ni Tanto na bagaman masakit na mawalan ng anak, lalo na at panganay niya si Mark, ay naiibsan naman ito sa buhos ng suporta ng taumbayan.
Namataan din sa libing si PAO Chief Persida Rueda-Acosta at mga kinatawan ng VACC.
Bahagi ng libing ay ang pagpapalipad ng mga puting lobo ng mga kaanak at kaibigan ni Garalde.
Si Garalde, 36 anyos ay dating online gaming officer at ama ng dalawang anak na may edad trese at tatlong taong gulang.
Siya ay inilibing sa tabi ng puntod ng kanyang lolo at lola sa nasabi ring sementeryo.
WATCH: Paghahatid kay Mark Vincent Garalde sa huling hantungan | @RickyBrozas pic.twitter.com/6rQcZYj9Ab
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 2, 2016
WATCH: Mark Vincent Garalde naihatid na sa huling hantungan | @RickyBrozas pic.twitter.com/u3FVlhY9nY
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 2, 2016
WATCH: Matapos mailibing, nagpalipad ng mga kulay puting lobo | @RickyBrozas pic.twitter.com/dU4ser4jkS
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 2, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.