Mayor ng Albuera, Leyte, sumuko na
Kusa nang sumuko sa mga otoridad si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nasa kostodiya na ngayon ni Philippine National Plice (PNP) director Ronald Dela Rosa ang alkalde matapos na magpasyang kusang sumuko.
Pero ang anak nitong si Kerwin Espinosa ay nananatiling at-large ayon kay Abella.
Bago ito, nagpahatid ng surrender feelers ang kampo ni Espinosa sa PNP.
Ang mag-amang Espinosa ay binigyan ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano ay pagkakasangkot sa illegal drugs.
Mamayang hapon nakatakdang mapaso ang ultimatum ni Duterte na hindi na hinintay pa ng Mayor.
Patuloy namang inaantabayan ang pagsuko ni Kerwin at kung mabibigo itong sumuko pakatapos ng deadline ay iiral ang “shoot on sight” order ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.