Isang Kongresista, umaming dating adik; mas matipid na drug rehab, ipinanukala
Sa harap ng mga kapwa kongresista, inamin ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves na dati siyang adik sa ipinagbabawal na gamot.
Sa kanyang privilege speech kahapon (August 1), sinabi ni Teves na isa siyang ‘recovering addict’.
Ayon kay Teves, mahigit labing anim na taon na umano siyang hindi na gumagamit ng droga.
Pinuri naman ni Teves ang mga hakbang ng Duterte administration laban sa illegal drugs sa bansa.
Gayunman, marapat aniya na may batas para lalong mapalakas ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Teves, isusulong niya ang isang cheap rehabilitation program, kung saan pagkakalooban ang kada drug addict ng P2500.
Maaari rin aniyang ikunsidera ang paggamit ng mga classroom sa mga paaralan upang doon magsagawa ng sesyon para sa rehabilitasyon ng mga adik na sumuko sa mga otoridad.
Naniniwala si Teves na mas matipid ito, kumpara sa aabot sa isang daang libong piso na kailangan ng kada surrenderee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.