Ang Typhoon Nida ay nakatakdang maglandfall sa Guangzhou City ngayong umaga na nag-isyu na ng red storm alert.
Inabisuhan na rin ang mga residente sa mga lugar na daraanan ng Typhoon Dina na maghanda ng pagkain na tatagal ng hanggang sa tatlong araw.
Ang mga lungsod ng Zhuhai at Shanwei sa Guangdong province ay nagtaas na din ng red alert na pinakamataas sa four-tier colour coded warning system ng China, habang ang sa Shenzhen nakataas na ang yellow alert.
Sinuspinde na rin ngayong araw ang klase at pasok sa trabaho sa Guangzhou at inabisuhan ang publiko na manatili na lamang sa kanilang tahanan.
Libu-libong pasahero dina ng apektado sa pagkansela ng biyahe ng lahat ng tren ng Guangzhou Railway Corporation.
Habang mahigit 200 flights na ang kanselado sa Guangzhou, Shenzhen at Zhuhai airports.