Rollback sa presyo ng langis, epektibo na ngayong araw

By Alvin Barcelona, Kabie Aenlle August 02, 2016 - 04:26 AM

 

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILMatapos bumaba ng hanggang P9.00 ang kada tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) kahapon, magpapatupad naman ngayong araw ang mga kumpanya ng langis ng rollback sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene ngayong araw, August 2.

Sa kanilang anunsyo, nagpatupad ng kaltas na 75 centavos sa kada litro ng kanilang gasolina at 90 centavos naman sa kada litro ng kanilang diesel ang Petron, Caltex, Flying V, at Eastern Petroleum simula kaninang 12:01 ng hatinggabi.

Gayundin ang halagang ikakaltas ng PTT, Phoenix Petroleum, at Unioil na ipapatupad mula alas-6:00 ng umaga ngayong araw din.

Mayroon rin bawas na 90 centavos sa kada litro ng kerosene ang Petron, Caltex, Flying V at Shell.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.