134 pamilya, inilikas dahil sa ‘sinkhole’ sa S. Cotabato

By Kabie Aenlle August 02, 2016 - 04:24 AM

 

Mula sa Google Maps

Pwersahang inilikas ng mga lokal na opisyal ang nasa 134 na pamilya matapos madiskubre ang isang malaking sinkhole sa Polomolok, South Cotabato.

Ang nasabing sinkhole sa Polomolokk ay may laking 50 metro, at lalim na 40 metro.

Ayon kay municipal disaster risk reduction officer Jonathan Fabulare, may mga naitala na ring sinkhole noon sa Barangay Silway, ngunit ito ang pinakamalaking nadiskubre nila.

Sa ngayon ay pansamantalang naninirahan sa Silway 8 Elementary School ang mga pamilyang lumikas, habang nagpadala na rin ang municipal environment and natural resources ng kanilang team upang mag-imbestiga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.