Kaanak ng napatay ng mga HPG, lumapit sa NBI

By Kabie Aenlle August 02, 2016 - 04:27 AM

 

nbi-building (1)Dumulog na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kapatid ng motoristang napatay ng tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) dahil umano sa pang-aagaw ng baril.

Noong nakaraang linggo, inaresto ng HPG si John dela Riarte matapos mapa-away sa isa pang motorista na si Eric Fajardo, ngunit napatay siya ng umaresto sa kaniya habang nasa daan patungong HPG headquarters.

Giit ng kapatid ni Dela Riarte na si Robert, isang Inspector Abasco ang tumangging imbestigahan ang pagkakapatay ng kanilang tauhan kay John, at binalaan pa silang huwag na itong ibunyag sa media dahil mapapahiya lang sila.

Tinanong pa ni Robert ang mga detalye sa pagpatay kay John, tulad ang sinabi ng mga pulis na adik umano sa iligal na droga ang kaniyang kapatid.

Ayon aniya kay Abasco, drug addict ang kapatid niya dahil malaki ang mga mata nito.

Pero depensa ni Robert, noon pa man ay malaki talaga ang mga mata ni John.

Kinwestyon rin niya ang pahayag ng HPG na nang-agaw umano ng baril si John, dahil malabo aniya itong mangyari kasi naka-posas na ang mga kamay nito sa kaniyang likod.

Naniniwala rin si special investigator Anna Labao ng NBI-Death Investigation Division na dapat magpaliwanag ang HPG sa isyung ito dahil hindi nila maaring basta sabihing adik ang isang tao o nagkaroon ng shootout.

Hindi man lang rin aniya isinailalim sa drug test o autopsy ang bangkay ni John upang mapatunayan ito.

Para patunayang malinis ang kaniyang kapatid, sinabi ni Robert na ipapa-siyasat nila ang katawan ni John sa NBI.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.