2 patay sa pamamaril sa Taguig; isa pa sugatan sa Makati

 

Mula sa FB/Kristenn Grace Cipriano

Dalawa katao ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa bahagi ng MLQ Ave. Hagonoy, Taguig City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Taguig police, binabagtas ng mga biktima ang bahagi ng Hagonoy sakay ng tricycle nang pagbabarilin sila ng ng hindi pa matukoy na suspek na lulan ng motorsiklo.

Ayon kay PO2 Biete, naka-recover sila ng apat na empty shells ng caliber .45 sa crime scene.

Nag-iwan naman ng karatula ang suspek na may nakasulat na “magnanakaw at pusher kami hwag tularan.”

Samantala, sa Facebook post ng isang netizen na si Kristenn Grace Cipriano, makikita ang dalawang biktima na duguang nakaupo sa loob ng tricycle.

Isa sa mga biktima ay lalake samantalang babae naman ang katabi nitong biktima.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang pagkakakilanlan ang dalawang biktima.

Nagkaroon rin ng shooting incident sa Guernica st., kanto ng Emilia St. Brgy. Palanan, Makati City.

Kinilala ang biktima na si Cesar Sotto, 32 taong gulang na agad na sinugod sa St. Claire hospital.

Riding-in-tandem rin ang suspek sa pananambang.

Read more...