Tuloy ang pagsusulong ng Constituent Assembly o Con-Ass para mapalitan ang kasalukuyang sistema ng gobyerno o Charter Change sa bansa.
Ito’y sa kabila ng paglabas ng resulta ng survey ng Pulse Asia na nagsasabing nasa 44% ng mga Pilipino ang ayaw na mabago ang umiiral 1987 Constitution.
Marami ang umaayaw sa Con-Ass dahil marami umano sa mga mambabatas na maatasang magrebisa ng Konstitusyon ay posibleng may mga hidden agenda upang gawin ito.
Gayunman, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi dapat ‘lahatin’ ang mga mambabatas sa mga alegasyong ‘corrupt’ ang mga ito.
Malinaw aniya na marami sa mga mambabatas ang ibinoto na ng paulit-ulit ng kanilang mga constituents.
Marami rin sa mga ito ang nakailang termino na sa puwesto kaya’t malinaw aniyang may magandang naidudulot ang mga ito sa kanilang mga distrito.
Matatandaang nais isulong ni Pangulong Duterte ang pagbabago sa Konstitusyon upang mapalitan ang kasalukuyang unitary-presidential form of government tungong federal-parliamentary form of government.