AFP naghahanda sa mga kundisyon ng NPA sa peace talk

By Ruel Perez August 01, 2016 - 08:39 PM

AFP
Inquirer file photo

Tiwala ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na hindi basta basta papayag ang kinatawan ng pamahalaan sa peace talks sa lahat ng mga ilalatag na kondisyon ng liderato ng New People’s Army (NPA).

Ito ay sa harap ng muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan mg pamahalaan at ng mga rebeldeng grupo.

Ayon kay AFP Spokesman B/Gen Restituto Padilla, umaasa sila na walang hihinging mabigat na kondisyon ang NPA sa muling pag upo ng dalawang panig sa negotiating table.

Isa sa mga pinangambahan ng AFP ay ang posibleng paghiling ng NPA na i-pull out ang tropa ng militar sa mga lugar na may armed conflicts.

Ani Padilla sakaling ganito nga ang ilatag na kondisyon ng NPA ay malabo nila itong maibigay dahil sa labag na ito sa batas.

Iginiit ni Padilla nasa mandato nila na pangalagaan ang seguridad at soberenya ng bansa kaya impossible nilang gawin ang pag aatras ng tropa.

Pero nilinaw ni Padilla na buo ang suporta ng AFP sa pagbubukas muli ng peace talks dahil sila man ay nais na ding magkaroon ng kapayapaan.

TAGS: AFP, NPA, Peace Talk, AFP, NPA, Peace Talk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.