Flights papuntang Hong Kong kanselado dahil sa bagyo

By Alvin Barcelona August 01, 2016 - 04:21 PM

PAL
Inquirer file photo

Dahil sa banta ng bagyong Carina, kinansela na ng Philippine Arilines ang lahat ng natitira nitong flights ngayong araw papunta ng Hong Kong.

Kabilang sa mga kanseladong flights ay ang: PR 306 Manila – Hong Kong (original ETD: 2:35PM) PR 307 Hong Kong – Manila (original ETD: 6PM) PR 310 Manila – Hong Kong (original ETD: 7PM) PR 311 Hong Kong – Manila (original ETD: 10:15PM) PR 312 Manila – Hong Kong (original ETD: 9:15PM) PR 352 Manila – Macau (original ETD: 1:20PM) PR 353 Macau – Manila (original ETD: 4:35PM) Kinansela na rin ng flag carrier ang Flight PR 313 Hong Kong – Manila para bukas ng 8:15AM ng umaga.

Kaugnay nito, Ipinaalala ng PAL sa mga pasahero na apektado ng mga kanselasyon na mayroon itong 30 araw mula sa petsa ng mga kinanselang flights nito para ipa-rebook o di kaya ay i-refund ang kanilang mga tiket nang walang penalty at anumang karagdagang charges.

sa kasalukuyan ay balik na sa normal ang ilang mga international flights na umaalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

TAGS: Carina, Hong Kong, NAIA, philippine airlines, Carina, Hong Kong, NAIA, philippine airlines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.