Pangulong Duterte, hinimok na bumuo muna ng Presidential o Citizen commission para sa Cha-Cha

By Isa Avendaño-Umali August 01, 2016 - 01:28 PM

Andaya
Inquirer file photo

Hinihimok ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya si Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng isang Presidential Commission o kaya’y Citizen Commission, para sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha tungo sa Federalism.

Ayon kay Andaya, marapat na magkomisyon muna ang Presidente ng mga eksperto upang makabuo ng non-partisan Cha-Cha.

Sa ganitong hakbang aniya ay mailalatag ang mga parameter para sa gagawing pag-amyenda sa Konstitusyon, at upang maiwasan ang uncontrolled Cha-Cha o Free for All Cha-Cha.

Puna ni Andaya, masyadong maraming probisyon ang Saligang Batas na gustong baguhin ng kasalukuyang administrasyon, gaya ng porma ng pamahalaan, economic provisions, at pagbabawal sa dayuhang pwersa sa Pilipinas.

Bukod dito, marami ring sumasakay sa Cha-Cha bandwagon sa kasalukuyan, kaya mas mabuting huwag munang padaanin sa mga politiko ang Cha-Cha at sa halip at isalang muna sa komisyon na maaaring bumuo ng working draft na magiging batayan ng Constituent Assembly o Con-Ass, o Contitutional Convention o Con-Con.

Sa oras na magbuo ng Presidential Commission o Citizen Commission, sinabi ni Andaya na bubuuin ito ng sampu hanggang dalawampung eksperto na manggagaling naman sa acadeeme, grassroots, business at judiciary.

Bibigyan naman ng isang daan at dalawampung araw na deadline ang komisyon upang tapusin ang Cha-Cha working draft.

Umaasa naman si Andaya na uunahin ang pagbuo at pagta-trabaho ng komisyon, bago pa pagtalunan kung ang Cha-Cha ay dapat gawin sa pamamagitan ng Con-Ass o Con-Con.

TAGS: con ass, Con-Com, con ass, Con-Com

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.