Jodi Sta Maria, itinangging nagkabalikan sila ni Jolo Revilla

By Mariel Cruz August 01, 2016 - 12:08 PM

Jodi Jolo
Inquirer file photo

Itinanggi ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria na nagkabalikan sila ng dating nobyo na si actor-politician Jolo Revilla.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang larawan kung saan makikitang magkasama silang dalawa.

Ayon kay Jodi, kahit pa nagkahiwalay na sila ni Jolo, nananatili pa rin silang magkaibigan at wala siyang nakikitang mali kung paminsan-minsan ay lalabas silang dalawa na magkasama.

Hindi naman nagbigay ng komento ang aktres nang tanungin kung may balak pa ba itong magmahal muli o magkaroon ng kasintahan.

Sa halip, sinabi ni Jodi na masaya siya sa kung anong mayroon siyang ngayon at ayaw niyang i-pressure ang sarili sa usapin ng pag-ibig.

Kasabay nito, binanggit ni Jodi na nakatakda siyang gumawa ng pelikula ngayong buwan kasama ang direktor na si Erik Matti.

Huling pelikula na pinagbidahan ng aktres ay ang “The Achy Breaky Hearts,” kung saan sina Richard Yap at Ian Veneracion ang kanyang mga leading man.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.