Pangulong Duterte, inutusan ang PSG na tumulong sa pagsugpo sa iligal na droga sa bansa
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Security Group (PSG) na tumulong na sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsugpo sa ilegal na droga sa bansa.
Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos dumalo sa PSG dinner kagabi sa Malacañang park.
Tiniyak ni Pangulong Duterte na nasa likod siya at susuportahan ang PSG lalo na kung nakasuhan ito habang tinutupad ang kanilang tungkulin.
Ayon sa pangulo, hindi lang ang mga taong sangkot sa iligal na droga ang kailangan puksain kundi ang lahat na nagbabanta sa national security.
Dumalo rin sa PSG dinner kagabi si Executive Sec. Salvador Medialdea at may isang libong organic at retired PSG personnel at iba pang mga bisita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.