China, handang tumulong sa pagsugpo sa mga Chinese drug lords sa Pilipinas

Chinese_flag_(Beijing)_-_IMG_1104 (1)Tutulong din ang bansang China para tugisin ang mga Chinese drug lords sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine National Police chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa, isa ito sa tinalakay sa isinagawang 36th ASEANAPOL Conference o Asean Association of Chiefs of Police sa bansang Malaysia noong nakaraang Linggo.

Paliwanag ni Bato, napag usapan ang isyu sa kampanya laban sa illegal drugs ng PNP kung saan ilang mga Chinese nationals ang sangkot sa illegal drug trade.

Ani Bato, noong nasa Malaysia siya nagkaroon sila ng pagkakataon na magkaroon ng bilateral meeting sa Police Chief ng China kung saan binigyan nito ng instructions ang kanyang tauhan na pumunta sa kanya sa Camp Crame para makipag pulong kaugnay sa nasabing isyu.

Dagdag pa ni General Bato, nakahandang magbigay ang Chinese authorities ng mga totoong profile ng mga Chinese drug lords na wanted din sa kanilang bansa.

Tumanggi namang idetalye pa ni Dela Rosa kung ano pa ang kanilang mga napag usapan dahil kinukunsidera itong mga classified matters.

Read more...