Bagyong Carina, nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility
Napanatili ng bagyong Carina ang lakas nito habang patuloy na tinatahak ang Balintang Channel kahit pa nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility.
Sa latest weather update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 270 kilometro northwest ng Laoag City, Ilocos Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 105 kilometro bawat oras at pagbugso na 135 kph.
Sa pagtataya ng PAGASA, gagalaw ang bagyo patungong northwest sa bilis na 24 kph.
Sinabi rin ng weather bureau na patuloy pa rin maaapektuhan ang Northern Luzon ng bagyong Carina kahit pa nasa labas na ito ng PAR.
Dahil dito, nasa ilalim ng Public Storm Warning Signal No. 1 ang mga sumusunod:
Ilocos Norte
Northern Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands
Apayao
Abra
Ilocos Sur
Ilalabas ng PAGASA ang susunod na weather bulletin mamayang alas onse ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.