VP Robredo pararangalan bilang outstanding woman sa Thailand

By Ricky Brozas August 01, 2016 - 08:26 AM

robredoPararangalan ngayong araw bilang isa sa “Honorary Outstanding Woman in 2016” si Vice President Leni Robredo sa Thailand.

Ito ang kauna-unahang official trip abroad ng pangalawang pangulo.

Ang National Council of Women (NCWT), katuwang ang Ministry of Social Development and Human Security, Ministry of Interior and the Ministry of Education ay siyang magho-host ng Thai Women Day’s event na may temang “The Power of Thai Women under the Greatest Kindness of her Majesty the Queen, the Mother of the Land”

Sa kalatas na ipinalabas ng tanggapan ng bise-presidente, nakasaad na si Robredo ay pararangalan dahil sa kanyang dedikasyon sa mga kababaihan na mapaunlad ang kanilang buhay, mga karapatan at gender equality at para mapagtagumpayan ang mga balakid para maging successful ASEAN woman leader.

Tuwing unang araw ng Agosto ay ipinagdiriwang ang pagkilala kay Queen Sirikit ng Thailand na nagsimula noong 2003.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.