Ilang pasahero na lamang ang stranded sa ilang pantalan ng bansa.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, sa ngayon 41 pasahero na lamang ang naghihintay na maka-byahe sa Pasacao Port sa lalawigan ng Masbate.
Sinabi ni Balilo na dahil sa nakataas na gale warning sa lugar hindi pinayagan ng coast guard na makabiyahe ang mga pampasaherong bangka doon.
Gayunman, sinabi ng opisyal na nakabiyahe na ang iba pang mga pasahero na nastranded sa iba pang pantalan ng bansa dahil sa Bagyong Carina.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Balilo na hindi pa rin maaaring pumalaot ang lahat ng sasakyang pandagat kung saan nakataas ang babala ng bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES