Pangulong Duterte naging padalus-dalos sa ceasefire issue-De Lima

By Jay Dones August 01, 2016 - 04:42 AM

 

Inquirer FILE PHOTO
Inquirer FILE PHOTO

Naging padalus-dalos si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdedeklara nito ng unilateral ceasefire na nagresulta upang mawalang saysay ang mga dati nang hakbang upang maabot ang kapayapaan.

Ito ang pananaw nina Sen. Leila De Lima at Sen. Juan Miguel Zubiri sa pagdeklara at pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unilateral ceasefire sa mga rebeldeng komunista.

Ayon kay De Lima, masyadong naging mabilis ang Pangulo sa naunang hakbang nito kaya’t nang bawiin nito ang kanyang deklarasyon, lalo itong nalagay sa alanganin.

Ayon naman kay Sen. Zubiri, dapat na pahupain muna ang sitwasyon at ibaba muna ang ‘ego’ ng magkabilang panig.

Sakaling humupa na, ito na ang pagkakataon upang muling pag-usapan ang pag-iral ng bilateral ceasefire.

Sinabi naman ni Sen. Antonio Trillanes IV, bukod sa pagbawi sa ceasefire , dapat nang alisin ni Pangulong Duterte sina Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo at Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano sa puwesto.

Ito aniya ay upang hindi maisulong ng dalawang maka-komunistang Kalihim ang kanilang makakaliwang ideolohiya gamit ang pondo ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.