Bagyong ‘Carina’ nasa Balintang Channel na

 

Patuloy na tinatahak ng bagyong Carina ang Balintang Channel habang papalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa pang-alas dos ng umagang update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 90 kilometro sa north-northeast ng Laoag, Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 100 kilometers bawat oras at pagbugsong 130 kph.

Inaasahang lalabas na ito ng PAR ngayong araw.

Nananatili ang signal number 1 sa:

Batanes Group of Islands,

La Union,

Pangasinan,

Benguet,

Ifugao,

Mt. Province,

Nueva Vizcaya at

Isabela.

Signal number 2 naman ang nakataas sa:

Ilocos Norte,

Ilocos Sur,

Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands,

Kalinga,

Apayao at

Abra.

Read more...