CPP, magdedeklara ng unilateral ceasefire sa Agosto 20

By Isa Avendaño-Umali July 31, 2016 - 04:39 PM

joma-duterte-0510 (1)Kinumpirma ng Communist Party of the Philippines o CPP na handa itong mag-isyu ng unilateral ceasefire declaration ‘separately but simultaneously’ para sa gobyernong Duterte sa August 20, 2016.

Sa isang statement, sinabi ng CPP na bilang suporta sa usapang pangkapayapaan ay handa ang CPP na simulan na ang tigil-putukan para sa Duterte administration sa naturang petsa.

Sa August 20, itutuloy ang peace talks sa Oslo, Norway.

Dagdag ng CPP, ang time-frame ay maaaring madetermina sa kasagsagan ng negosasyon.

Nakasaad pa sa statement na bagama’t ‘too bad’ ang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inanunsyo nitong unilateral ceasfire para sa CPP-NPA, umaasa umano ang kanilang grupo na hindi madidiskaril ang paghahanda sa peace talks.

Kahapon, matapos na i-atras ni President Duterte ang ceasefire declaration, sinabi ni CPP founding chairman Joma Sison na isang ‘butangero at bully’ ang Punong Ehekutibo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.