Bagyong Carina, nag-landfall na sa Cagayan province

By Mariel Cruz July 31, 2016 - 03:57 PM

pagasa-logo-298x224Tuluyan nang nag-landfall ang bagyong Carina sa probinsya ng Cagayan.

Ayon sa PAGASA, partikular na nag-landfall ang bagyong Carina sa Cabutunan point at tinatahak na nito ngayon ang Northern Cagayan.

Taglay pa rin nito ang pinakamalakas na hangin na 95 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 120 kilometro kada oras.

Bukod dito, gumagalaw ang bagyong Carina sa direksyon na west northwest sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 2 sa mga lalawigan ng Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Mountain Province, Ifugao, Kalinga, Abra at Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands.

Samantalang, nananatili pa rin na nasa ilalim ng Signal Number 1 ang Batanes Group of Islands, Benguet, La Union, Nueva Vizcaya, Quirino, Pangasinan, Nueva Ecija at Aurora.

Kung mapapanatili ng bagyong Carina ang lakas nito, posibleng lumabas na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng umaga.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.