Gobyernong Duterte, aayudahan ang mga masasalanta ng Bagyong Carina
Tiniyak ng Malakanyang na handa ang gobyernong Duterte na magkaloob ng ayuda para sa mga maaapektuhan ng Bagyong Carina.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, naka-preposition na ang mga relief goods sa mga lugar na tatamaan ng kalamidad.
Sinabi ni Andanar na base sa report ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, nasa ground na ang mga personnel mula sa Department of Social Welfare and Development, at maging ang food packs na ready na sa pamamahagi.
Ani Andanar, nasa tatlumpung libong food packs ang naka-preposition sa Region 1, habang karagdagang 1,900 sa Region 8.
Inalerto naman ng PCO Secretary ang mga residente sa mga mababang lugar, lalo na sa eastern at northern seaboards ng bansa.
Dahil din aniya sa inaasahang malakas na pagbuhos ng ulan at banta ng pagbaha at storm surge bunsod ng Bagyong Carina, mainam aniya na ipagpaliban muna ng mga mangingisda ang pagpalaot sa mga karagatan bilang precaution at pag-iingat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.