PNP, AFP, naka-high alert na matapos ang pagbawi ni Duterte sa ceasefire sa NPA

Ipinag-utos na ni Philippine National Police o PNP Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosas ang withdrawal ng suspensyon sa lahat ng operasyon laban sa New People’s Army o NPA.

Sa memorandum na inilabas ni Dela Rosa ngayong araw ng Linggo (July 31), inaatasan ang lahat ng units ng PNP na maging ‘on high alert’, matapos na magpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na isantabi na ang unilateral ceasefire na idineklara nito para mga rebelbeng komunista noong nakalipas nitong State of the Nation Address o SONA.

Ayon kay Dela Rosa, epektibo ang memorandum sa buong bansa sa lalong madaling panahon.

Ini-utos na rin Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Ricardo Visaya ang high alert sa lahat ng mga AFP Units, at ipagpatuloy ang pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin at mandato upang ma-neutralize ang lahat ng banta sa pambansang seguridad.

Kahapon (July 30), ni-recall ni Presidente Duterte ang ceasefire order nito matapos mabigo ang CPP-NPA-NDF na tumugon sa ultimatum, hinggil sa naganap na pananambang ng NPA sa Davao del Norte, na ikinamatay ng isang CAFGU member.

Read more...