Nananatiling nasa ‘code white alert ‘ ang Department of Health o DOH, bilang bahagi ng paghahanda nito sa epekto na maaaring idulot ng Bagyong Carina.
Mula noong July 29 ay nasa ilalim na ng code white alert ang DOH, ibig sabihin, handa na ang mga manpower ng mga ospital gaya ng orthopedic surgeons, anesthesiologists, internists, operating room nurses, ophthalmologists at iba pa para rumesponde sa anumang emergency situation.
Sa kasagsagan din ng code white alert, dapat bente-kwatro oras na bukas ang Health Emergency Management Staff Operations Centers upang i-monitor ang anumang health-related events na nangangailangan ng agarang pagtugon.
Bukod naman sa pagtaas sa code white alert, sinabi ni DOH Secretary Dr. Paulyn Jean Rosell-Ubial na nakapag-isyu na sila ng mga memo sa lahat ng regional offices para maghanda sa kalamidad.
Kabilang dito ang pre-positioning ng mga gamot at supplies, at preparasyon sa stand-by response teams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.