Bagyong Carina, nagpapatuloy ang paglakas. Inaasahang magla-landfall sa Northern Cagayan ngayong araw

By Mariel Cruz July 31, 2016 - 01:45 PM

pagasa-logo-298x224Mas tumindi pa ang lakas ng bagyong Carina, ilang oras bago ang inaasahang pag-landfall sa hilagang bahagi ng bansa ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyong Carina ang pinakamalakas na hangin na 95 kilometro kada oras at pagbugso na 120 kilometro kada oras.

Huling namataan ang bagyo sa layong 160 kilometro silangan timog silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Sakaling magpatuloy ang paggalaw nito sa hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras, magla-landfall ito sa Northern Cagayan ngayong araw.

Dahil dito, nananatiling nakataas ang public storm warning signal number 2 sa mga lalawigan ng Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Mt. Province, Ifugao, Kalinga, Abra at Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands.

Itinaas naman ang signal number 1 sa Batanes Group of Islands, Benguet, La Union, Nueva Vizcaya, Quirino, Pangasinan, Nueva Ecija at Aurora.

Kasabay nito, nagbabala ang PAGASA ng posibleng storm surge sa mga residente na naninirahan malapit sa mga baybayin. Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Carina bukas ng umaga.

 

TAGS: Carina, Carina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.