#WalangPasok: Mga probinsya ng Isabela at Cagayan, nag-anunsyo na ng suspensyon ng klase

walang pasokSuspendido na ang pasok sa mga paaralan sa lalawigan ng Isabela bukas ng Lunes (August 01).

Ito’y dahil sa inaasahang pagtama roon ng Bagyong Carina.

Ayon kay Ronald Villa, civil defense officer ng Region 2-Office of Civil Defense, walang pasok mula kindergarten hanggang secondary level.

Sakop ng class suspension ang mga pribado at pampublikong eskwelahan sa probinsya.

Wala na ring pasok ang mga mag-aaral sa elementary at high school sa probinsya ng Cagayan.

Batay sa PAGASA, ang Bagyong Carina ay magla-landfall sa Isabela ngayong araw ng Linggo.

Read more...