NGCP, muling ilalagay sa yellow alert ang Luzon Grid

By Isa Avendaño-Umali July 31, 2016 - 11:43 AM

NGCP-towerNakatakdang ilagay ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa yellow alert status ang Luzon Grid mamayang gabi (July 31), dahil sa kakulangan na naman ng power supply.

Ayon sa NGCP, ang yellow alert ay mula alas-syete ng gabi hanggang alas-nuebe ng gabi.

Paliwanag ng NGCP, nasa yellow alert ang Luzon Grid dahil sa mababang lebel ng operating reserves, bunsod ng kulang na power supply mula sa generating plants.

As of kaninang alas-nuebe ng umaga, ang available capacity ay aabot sa 8,324 megawatts, habang ang demand ay tinatayang nasa 7,528 megawatts.

Nauna nang sinabi ng Department of Energy o DOE na sisiyasatin na ng Energy Regulatory Commission o ERC ang sunud-sunod na yellow at red alert statuses sa Luzon Grid.

Partikular na pinatutukoy ng DOE sa ERC kung mayroon bang presensya ng anti-competitive behavior sa hanay ng mga industry player.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.