Batay sa advisory ng Manila International Airport Authority, ang mga cancelled flight ay ang mga sumusunod: Cebu Pacific flight 5J506/507 – Manila-Tuguegarao-Manila.
Kanselado na rin ang PAL express flights 2P 2196 (Manila-Laoag), 2P 2197 (Laoag-Manila), 2P 2014 (Manila-Tuguegarao) at 2P 2015 (Tuguegarao-Manila).
Pinapayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng kanilang tickets.
Kahapon, nagkansela rin ng flights ang ilang airlines dahil sa sama ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES