CGMA, biyaheng-Germany sa Setyembre para magpagamot
Plano ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na bumiyahe sa Germany sa Setyembre upang ipagamot ang kanyang spinal problems.
Ito ay kanyang kinumpirma, matapos dumalo sa isang misa ng pagdiriwang sa Lubao, Pampanga kahapon, kasunod ng kanyang pagkakalaya mula sa halos apat na taong pagkaka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC dahil sa kinaharap nitong PCSO plunder case.
Ayon kay Arroyo, patuloy na sumasakit ang kanyang kaliwang braso.
Nakakapaglakad naman siya nang walang assistant at paminsan-minsan ay hindi na niya isinusuot ang neckbrace.
Mainit naman na sinalubong si dating Pangulong Arroyo sa kanyang hometown sa Lubao.
Kasama ni Arroyo na dumalo sa misa ay ang mister nito na si dating First Gentleman Mike Arroyo, mga anak na sina Mikey at Dato, at ilan sa mga apo.
Nagpasalamat naman si CGMA sa lahat ng pag-welcome sa kanya ng mga kababayan at naglintanya pa ng ‘It is good to be home at last.’
Hindi rin naiwasan ni Arroyo na magpasaring, at sinabi ang pagkakakulong sa kanya ay parusa para sa isang inosenteng tao, na naging hadlang aniya para magsilbing sa ikalawang distrito ng Pampanga.
Pero umaasa ang dating Presidente na bagama’t ginamit ng kanyang mga kritiko ang justice system para i-harrass ang political enemies, sana raw ay siya na ang huling biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.