Bagyong Carina, lalong lumakas, nagbabanta sa Isabela-Cagayan

By Erwin Aguilon July 31, 2016 - 06:55 AM

Carina
PAGASA photo

Lalo pang lumakas ang bagyong Carina at patuloy na nagbabanta sa Isabela-Cagayan.

Ayon sa pagasa, kaninang alas kwatro ng madaling-araw huling namataan ang bagyong Carina sa layong 205 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora at kumikilos patungong hilagang kanlurang direksyon sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang pinakamalakas na hangin na 85 kilometro bawat oras at pabugso na aabot sa 100 kilometro kada oras.

Dahil dito, itinaas ng pagasa ang babala ng bagyo bilang dalawa sa mga sumusunod na lalawigan:

  • Isabela
  • Ilocos Norte
  • Apayao
  • Kalinga
  • Abra
  • Cagayan
  • Babuyan Group Islands

Nakataas naman ang babala ng bagyo bilang isa sa mga sumusunod na lalawigan:

  • Ifugao
  • Benguet
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Province
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Aurora

Sinabi ng pagasa na posibleng mag landfall ang bagyo sa Cagayan o Isabela mamayang gabi at bukas ng umaga inaasahan na papasok na sa ng Philippine Area of Responsibility.

TAGS: Carina, Carina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.