Philippine Team, panalo sa Osaka

lto
Inquirer file photo

Panalo sa unang heat ng Japan Dragon Boat Championship Race ang Philippine Army Dragon Boat Team.

Bandang alas diyes kanina ng umaga nang lumaban ang Philippine Team mula sa Philippine Army naturang karera na ginaganap sa Okawa River, Osaka Japan.

Naungusan ng Philippine Army team ang national team ng Japan sa oras na 52.23 seconds sa 250m Premier Open Event na sinalihan ng sobrang 50 teams.

Alas tres tres ng hapon ang semifinal heat.

Ang Philippine Army contingent ay binubuo ng 26 athletes at 2 opisyal.

Naging tanyag ang Philippine Army Dragon Boat Team nang nakasungkit ito ng dalawang ginto sa World Championships sa Ravenna, Italy noong Setyembre 2014. / Gina Salcedo

Read more...