MPD Chief kay Tanto: “Basta huwag ka lang mang-agaw ng baril”

By Den Macaranas July 30, 2016 - 04:04 PM

MPDMahigpit ang naging kautusan ni Manila Police District (MPD) Director Joel Coronel na tiyakin ang kaligtasan sa anumang oras ng road rage suspect na si Vhon Tanto.

Aminado si Coronel na maraming grupo ang gustong manakit kay Tanto at ito’y kanilang napatunayan nang sugurin siya kanina ng isang grupo ng mga siklista sa kanyang pagdating sa MPD Headquarters.

Sinabi ni Coronel na basta’t sumunod lamang sa mga security instructions ay walang mangyayari kay Tanto na pangunahing suspek sa pagpatay sa biktimang si Mark Vincent Galarde.

Nilinaw pa ng opisyal na base sa kanyang pagkaka-alam ay tanging mga nang-aagaw lamang ng mga baril ng mag pulis ang napapatay sa mismong kustodiya ng mga otoridad.

Si Tanto dinala rin kanina sa tanggapan ng PNP Crime Laboratory para sa kaukulang medical exam samantalang inihahanda na ang kasong murder at frustrated murder laban sa kanya.

Bukod sa napatay na si Garalde ay isang babaeng bystander din ang tinamaan ng bala dahil sa pamamaril ni Tanto.

TAGS: coronel, MPD, tando, coronel, MPD, tando

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.