Biglaang brownouts ngayong araw ibinabala ng NGCP

By Den Macaranas July 30, 2016 - 11:00 AM

NGCP-tower
Inquirer file photo

Naglabas ng urgent advisory ang National Grid corporation of the Philippines (NGCP) kasabay ng Red power alert status ngayong umaga.

Sa kanilang pahayag, posibleng magkaroon ng power interruptions sa ilang lugar na sakop ng Luzon grid dahil sa zero operating reserves.

Kanilang alas-nueve ng umaga ay naitala ng NGCP na umaabot lamang sa 8,312 megawatts ang kanyang i-supply ng mga planta samantalang papalo naman sa 8,117 megawatts ang peak demand ngayong araw.

Sa mga nakalipas na araw ay sunod sunod ang Yellow alert status na ipinalabas ng NGCP dahil sa pagbagsak ng supply ng kuryente mula sa Sual 2, Calaca 2, Sta. Rita Mod.20, Lima 2 at Angat Main 2.

Ipinaliwanag pa ng NGCP na kritikal sa supply ng kuryente ngayong araw ang mga oras na mula alas-onse ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

TAGS: brownout, ngcp, red alert, brownout, ngcp, red alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.