124 online gaming licenses, binawi ng PAGCOR

online-gambling-shutterstock_1500pxSinimulan na ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang pag-sunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin na ang mga internet-based na sugalan dito sa bansa na pawang mga Pilipino ang parokyano.

Ayon kay PAGCOR president and CEO Andrea Domingo, binawi nila ang 124 online gaming licenses ng mga kumpanyang walang required gaming stations.

Pangkaraniwan kasing nag-aalok ang mga E-Games outlets ng electronic card games, table games, video poker at slot machines.

Inaasahang magreresulta ng pagkalugi ng ahensya ng aabot sa P10 bilyon sa P50 bilyong target revenue nila sa susunod na taon, na mas mararamdaman pa kung hindi nila ire-renew ang lisensya ng 302 e-Games stations at 324 e-Bingo outlets.

Samantala, mayroon naman na aniyang inihahandang executive order para maglabas ng mahigpit na alituntunin sa online gambling.

Read more...